Friday , November 22 2024

PhilHealth, GOCCs gatasan ng top officials

00 Bulabugin JSY

KUNG napanood ninyo ang mga pelikulang BRAVEHEART at ROBINHOOD (2010) na tahasang nagpapakita ng pang-aabuso sa batayang masa ng monarkiya sa ngalan ng kanilang paniniwala at simbahan, ‘e ganyan-ganyan din po ang nangyayari ngayon kung paano tayo pinagsasamantalahan ng mga government-owned and controlled corporations (GOCCs) sa ating bansa.

Kung pagbabatayan ang ulat ng Commission on Audit (COA), mahihinuha natin na matagal na tayong pinagsasamantalahan ng GOCCs dahil sa nakukuha nilang BIGTIME BONUSES mula sa kompanya.

Gaya ng Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) na ang pondo ay nagmumula sa kontribusyon ng mga manggagawa at empleyado mula sa public at private sector.

Ang ipinambabayad na kontribusyon ng mga manggagawa at empleyado mula sa pribado at publikong sector ay kinakaltas sa kanilang sweldo saka inihuhulog sa Philhealth.

Gaya nga ng sistema ng monarkiya noong unang panahon na kayod-kalabaw ang batayang mamamayan pero pagdating ng anihan, kukunin na ang kanilang ani ‘e pagbubuwisin pa sila.

Ganyan ang ginagawa sa atin ng Philhealth na sa ulat ng COA ay numero uno ang mga opisyal sa nakakuha ng pinakamalaking bonus noong 2012 sa mga taga-GOCCs na umaabot sa P1.65 billion.

Sumunod na mayroong pinakamalaking bonus ay ang Development Bank of the Philippines (DBP) na umaabot sa P216.8 million.

Ikatlo ang water districts sa Central Visayas na mayroong P186.58 million.

Ang PCSO na mayroong P54.82 million habang ang Philippine Economic Authority (PEZA) ay P48.5 million.

‘Yan po ang top 5 GOCCs na super sa laki ang bonuses.

Sa huling ulat, ipinasasauli raw ng COA ang sobra-sobrang bonus na natanggap ng mga taga-GOCCs.

Mayroon pa kayang maisoli?!

Saan ba talaga kayo nanghihiram ng mga KAPAL NG MUKHA!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *