Sunday , November 24 2024

Masaganang Bagong Taon sa lahat

00 Bulabugin JSY
BUKAS ay bisperas ng pagsalubong sa taon 2014.

Tapos na ang taon 2013 na hindi maitatatwa ng sambayanan na ISANG TAON ng walang katapusang pagsubok, kalamidad, sakuna at bangayan sa hanay ng mga itinuturing nating mga pinuno ng bayan.

Ang sabi ng Palasyo, umunlad ang ekonomiya at ang pamumuhay ng Pinoy.

Ang sabi ng mga negosyante, matumal ang ikot ng pera at binatbat pa sila ng tila walang katapusang panggigipit ng Bureau of Internal Revenue (BIR) habang patuloy na namumuhay sa luho ang mga mandarambong at magnanakaw sa kaban ng bayan gaya ng mga Napoles at ni Ma’am Arlene na hanggang ngayon ay hindi pa rin lumulutang.

Ang sabi ng batayang masa, walang nagbabago sa kalagayan nila, patuloy na kumakalam ang kanilang sikmura at pinagpapasan sila ng walang katapusang pagtaas ng presyo ng mga batayang bilihin, pasahe, koryente, tubig at tuition fee ng mga estudyante.

Lahat na lang tumataas … pandak na lang ang hindi.

Pero ang pinakamasaklap, sa ‘sipag’ mangolekta ng buwis ng BIR at ng mga lokal na pamahalaan, kapag kailangan ang serbisyong pangkalusugan, walang maaasahan ang batayang masa sa mga pampublikong ospital.

Sabi nga sa kantang Monalisa … “They just lie there and they die there …”

Tsk tsk tsk …

Ganyan pa rin daw kasaklap ang buhay ng mga Pinoy sa administrasyon ni PNoy, anak ng pinaslang na dating senador at mamamahayag at ng kanyang biyuda  na naging Pangulo ng bansa at binansagang democracy icon.

Anyway, meron din naman sigurong magagandang nangyari sa bawat indibidwal.

Again, sa mga tao o dati kong kaibigan na hindi natutuwa sa atin … ang masasabi ko lang ay susundin ko na lang ang utos ni Lord: LOVE YOUR ENEMY & DON’T HATE THEM.

Sa kabila nito, nais ko pa rin kayong batiin at sa pamamagitan man lang nito ay umusbong maski maliit na binhi ng pag-asa sa ating mga dibdib … isang MAPAYAPA at MASAGANANG BAGONG TAON po sa ating lahat.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *