PINANGUNAHAN ni Senadora Cynthia Villar ang mangrove-planting activity na ginanap sa Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Eco-Tourism Area (LPPCHEA).
“Ako ay natutuwa dahil kasama ko kayo sa pa-ngangalaga ng mahalagang habitat area na ito. Dapat natin ipagmalaki ang LPPCHEA dahil ito ang hu-ling natitirang beach at mangrove area sa Metro Manila,” ani Villar sa harap ng mahigit 300 katao na nagtanim ng mangrove sa 175 ektaryang protected area.
Nasa 1,000 mangrove seedlings ang naitanim ng grupo bilang dagdag sa mga nauna nang naitanim, 20 taon na ang nakalilipas.
“Ang pangangalaga at pagmamahal sa ating kalikasan ay hindi lamang dapat iasa sa mga kawani ng Department of Environment and Natural Resour-ces dahil sa trabaho nila ito kundi kailangan din makiisa tayo sa pangangalaga sapagkat lahat tayo ay mapipinsala o masasaktan kung ating aabusuhin, pababayaan at sisirain ito,” ani Rey Aguinaldo, ma-nager ng LPPCHEA.
Ang LPPCHEA sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 1412 ay ideneklera bilang isang protected area. Ito ay pinagbutohan sa Ramsar List o ang listahan ng world’s most important wetlands kasama na rin ng Tubbataha Reef sa Sulu at Underground River sa Palawan.
Ang LPPCHEA ay hindi lamang nagsisilbing ta-niman ng mangrove, lagoon, beach, at iba pang uri ng mga puno kundi nagsisilbi rin tirahan ng may 12 uri ng ibon at isa na rito ang mga ibong Dayna mula sa Siberia. Nagsisilbi din itong pahingahan ng Philippine duck at Chinese Egret.
Kabilang sa mga nakiisa sa pagtatanim ay mula Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Las Piñas Red Cross, mag-aaral mula sa Dr. Filemon Aguilar Information Technology, kinatawan mula sa Alliance for Stewardship and Authentic Progress, at mga kinatawan ng Las Piñas barangay and homeowners associations.
“Dapat na tayo ay magtanim nang magtanim pa ng mangroves upang magkaron tayo ng proteksyon at panlaban mula sa mga storm surges. Na-kita po natin ang nangyari sa Palompon, Leyte na naligtas sila mula sa storm surge dahil sa nagsilbing panangga nila ang mga mangroves laban sa mga alon at tubig,” giit ni Villar.
Ayon kay Villar hindi lahat ng bayan sa Leyte ay mapalad katulad sa Tanauan na 1,100 katao ang namatay nang ang sea surge ay biglang rumagasa sa lupa sahi ng super typhoon Yolanda.
Batay sa pag-aaral noong 2012 ng University of Cambridge ay napatunayan na ang mangroves ay pumipigil o nagpapahina ng tuloy-tuloy na pagdaloy ng tubig at nababawasan ang alon at ang surge, nagpapatunay na talagang mapapababa nito ang tubig at mapipigilan ang anomang pagkasira o pananalanta.
Bilang pagkikila sa kahalagan ng mangroves ay inihain ni Villar ang Senate Bill 142, o kilala rin sa tawag na National Mangrove Forest Protection and Preservation Act at ang Senate Bill 143 o kilala rin sa tawag na act establishing the coastal environment program.
Ang coastal environment program ay naglalayong magtayo ng reservation areas sa lahat ng coastal municipalities sa buong bansa para sa pre-servation, protection, refo-restation, afforestation at sustainable development ng mangrove forests.
“Kaya dapat natin labanan at tutulan ang ano mang uri ng pagtatangka na wasakin o sirain ang LPPCHEA mangrove fo-rest.
Ang planong reklamasyon ay wawasak o sisira sa natural at maayos na daloy ng tubig na kai-langan ng mangroves upang mabuhay,” dagdag ni Villar. (Nino Aclan)