Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 71)

HIHIRAM SI MARIO NG PERA KAY ALING PATRING PARA PASAHE PAPUNTANG CEBU

Pupuntahan niya sa bahay si Aling Patring at susubukin niyang manghiram ng perang pasahe sa barko pauwi ng Cebu. Mahigit sa isang  libong piso ang kaila-ngan niya. Suntok sa buwan pero wala siyang ibang matatakbuhan kungdi ang matandang babae na magbabasahan.

Mahigit kalahating oras lang ang biyahe papunta sa bahay ni Aling Patring. Usad- pagong ang takbo ng pampasahero dyip at pahinto-hinto pa. Ngunit ang utak naman ni Mario ay takbo nang takbo. Naisip niya ang kanyang mag-ina na labis-labis na ang pinagdaraanang mga pagdurusa.

Bilang asawa, masakit para sa kanya ang pagpasan ni Delia sa mga resposibilidad na dapat sana’y pananagutan niya. At bilang isang ama, nasusugatan ang damdamin niya sa pagpapasuso ng  ina sa kanilang anak gayong sa edad nito ay mas kailangan pa ang gatas. Ang puno’t dulo ng lahat, ang pabrikanteng kaso laban sa kanya.

Sa pagmumuni-muni niya, ang kapalaran pala ng isang tulad niya ay walang ipinagkaiba sa bangkang walang katig at layag na pwedeng tumaob anumang oras at pwedeng kung saan-saan padparin ng hangin.

Usad-tigil, tigil-usad ang sinasakyang dyip ni Mario. Kulang-kulang kalahating oras na siyang nagbibiyahe ay bahagya pa lang siyang nakalalayo sa lugar na pinanggalingan. Nagtaka siya kung bakit mangilan-ngilan lang ang mga pampasaherong behikulo sa kalsada pero grabe ang trapik. Kayrami-raming pasahero ang istranded. Nag-uunahan at nag-aagawan ang mga komyuter na makasakay ng dyip.

(Subaybayan bukas)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …