Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 65)

WALANG KAMALAY-MALAY SI MARIO NA ANG 2 SALARIN SA KASONG RAPE-SLAY AY DUMANAS NG KALUNOS-LUNOS NA AKSIDENTE

Sa kahabaan ng kalyeng papasok ng South Luzon Expressway, dalawang malalaki at mamahaling motorsiklo ang birit sa pagtakbo. Sa tulin ng takbo, ang headlight ng mga sasakyan ay parang bulalakaw na gumuguhit sa madilim ng lansangan. Ngunit sa kalagitnaan ng daan na binabagtas ng dalawang motorista na parehong walang helmet ay may nakahambalang na trak na may kargang mga troso. Bagsak ang mga gulong nito sa hulihan. Sa tulin ng pagpapatakbo ng mga nakamotorsiklo ay hindi agad napansin ang makisap na kulay dilaw at patatsulok na gamit-babala sa gawing likuran ng sasakyan na mayroon pang sindidong ilaw sa pwitan.

Nakatutulig ang impak ng dalawang magkasunod na pagsalpok ng mga motorsiklo sa trak ng troso. Parang may naganap na pagsabog. Umilandang paitaas ang dalawang  nagmamaneho ng motorsiklo. Bumagsak ang isa sa ibabaw ng salansan ng mga troso sa trak, si Rigor. Ang pangalawa ay si Jimboy na humagis sa gitna ng kalsada.

Agaw-buhay si Rigor nang isugod ng mga tauhan ng rescue team sa isang kilalang ospital sa lungsod ng Quezon. Linsad ang buto ng kanang balikat, bali ang kanang balakang at tuhod, at nakanga-nga ang malaking sugat sa noo. Ngunit mas grabe ang mga pinsalang natikman ni Jimboy na padapang lumanding sa sementadong daan: bali ang mga hita, nagkalinsad-linsad ang mga parilya ng dibdib, at dispormado ang duguang mukha na animo pinalo ng maso. (Itutuloy bukas)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …