Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEX
ni Jun Nardo

MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y illegal detention na inihain sa National Bureau of Investigation (NBI)  ng nagngangalang Mr. Baro na driver ni Rhian.

Bahagi ng statement ni Atty. Maggie Abraham Garduque, “As far as our clients are concerned there is no incident of illegal detention happened as Mr. Baro was a resident of the condo, being the driver of Rhian.

“The last incident of our clients with Mr. Baro was when Michelle Dee filed a criminal case for qualified theft against him which he admitted and he even returned some of the items to Michelle.

“Thus our clients cannot think of any reason for initiating this complaint but a leverage and a vindictive suit to said qualified theft case.”

Hindi na nagbigay pa ng dagdag na pahayag si Atty. Maggie dahil ongoing ang imbestigasyon sa reklamo sa magkaibigang aktres.

Sa bagong development sa usaping ito, sinabi ni Filipino footwear designer Jojo Bragais na imposible ang ibinibintang ng driver, “Alyas Totoy” laban kina Michelle at Rhian. 

Sa ebidensiyang inilabas ni  Bragais, pinatunayan nitong nasa Iloilo si Miss Universe-Philippines 2023 Michelle noong mangyari ang umano’y bugbugan.

Sa social media post ni Bragais kahapon, January 29, sinabi  nitong nakasama niya si Michelle sa Iloilo noong January 17, ang araw kung kailan nangyari umano ang insidente base sa salaysay ng driver.

Ani Bragais, official footwear provider sa nakaraang tatlong edisyon ng Miss Universe pageant, “Base sa pano ko kilala si MMD (Michelle Dee) and SamPan (Samantha Panlilio), I doubt they could do ‘yung mga issues na binabato. Parehong chill na tao ‘to. And nasa Iloilo kami nila MMD nung January 17.”

May isang tanong ang netizen na sinagot din ni Bragais, ang kung may kasamang mga bodyguard sina Michelle sa sinasabign event sa Iloilo.

Tugon ni Bragais, “Sa mga raket namin na mag kakasama, RM (road manager) ang kasama at di body guard. Wala akong ma alala base sa aking memory at personal na pagsasama na may ganap kaming may dala syang bodyguard. Mapa event, provincial judging or commercial shoot.”

Pinatunayan din ng isang celebrity makeup artist na si Dave Quiambao, na regular na nag-aayos sa mga event ni Michelle, na nasa Iloilo ang Kapuso star noong mangyari ang sinasabing pambubugbog kay “Totoy.”

Pano nangyari ‘to ng January 17 eh nasa Iloilo kami? Panooo?” caption ni Dave sa repost story niya ukol sa akusasyon ng driver.

Bago ito’y nagsampa ng reklamo ang driver sa NBI laban kina Rhian, Michelle, at Samantha Panlilio. Aniya, paulit-ulit umano siyang sinaktan at tinortyur ng mga ito sa loob ng condo ni Rhian noong January 17. Kaya dumating sa puntong gusto na niyang wakasan ang kanyang buhay.

Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang driver.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. …

Andres Muhlach Bagets The Musical

Aga pinaiyak ni Andres;  Charlene, Mommy Elvie kinabahan  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA-IBANG komento ang narinig namin sa pagbibida ni Andres Muhlach sa Bagets, The Musical. May …