Wednesday , March 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Grace Poe

Pag-angat ni Grace Poe, tampok sa 2028 VP survey ng WR Numero Research

120425 Hataw Frontpage

ni TEDDY BRUL

MAYNILA — Isa sa pinakamalaking pag-angat sa pinakabagong WR Numero Research survey para sa 2028 vice presidential race ay naitala ni dating Senador Grace Poe, na ngayon ay kaagapay na ni Sen. Robin Padilla sa ikalawang puwesto sa 8.4% (+2).

Nangunguna pa rin si Sen. Bong Go (19.1%, +3), ngunit malinaw ang paglapit ng suporta kay Poe habang papalapit ang kampanya at nananatiling higit 30.6% ang mga hindi pa desidido.

Ayon sa political bloc breakdown, pinakamalakas ang suporta kay Poe sa Pro-Marcos group (18%), na mas mataas kina Go at Marcos. Sa Independent voters, tabla sila ni Isko Moreno sa 10%, indikasyon na may malawak na reach si Poe sa mga botanteng hindi nakatali sa kahit anong pwersa ng politika.

Other survey figures:

•Bam Aquino: 7.2% (–1)

•Isko Domagoso: 6.8% (bagong pasok)

•Kiko Pangilinan: 5% (bagong pasok)

•Imee Marcos: 4.3% (–0.2)

REGIONAL PERFORMANCE

        •NCR: Poe at Domagoso (8% bawat isa)

•Luzon: Poe at Go (12% bawat isa)

•Visayas: Poe (8%), kasunod nina Go at Padilla

•Mindanao: Poe — close watch potential kung tataas sa susunod na survey

Sa gitna ng dikit na laban at malaking bilang ng undecided voters, malinaw na lumalawak ang base ng suporta ni Grace Poe, na maaaring maging malaking salik sa paghubog ng 2028 VP race.

Grace Poe survey 1

Grace Poe survey 2

Grace Poe survey 3
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Teddy Brul

Check Also

Special Olympics Pilipinas SOP PSC

SOP pinalawig ugnayan sa PSC; PH magho-host ng Asia Pacific 3×3 tilt

SA patuloy na pagsisikap tungo sa mas inklusibong mundo ng palakasan, pinalawig ng Special Olympics …

Isko Honey

Honey at Isko, nagkita sa libingan ni Danny Lacuna

MULING nag krus ang landas ni dating Manila Mayor Honey Lacuna at Manila Mayor Isko …

Asian Track Championships

Asian Track Championships magsisimula ngayong Miyerkoles (Marso 25) sa Lungsod ng Tagaytay

PANGUNGUNAHAN nina Asian Cycling Confederation (ACC) president na si Dato’ Amarjit Singh Gill at Chairman …

Spikers Turf Voleyball

Cabstars, Alpha maghaharap para sa ikatlong puwesto, momentum sa semifinals

Mga Laro Ngayong Araw (Martes) (Paco Arena) 1:00 n.h. – Cabstars laban sa Alpha Insurance …

JP Bugaoan ng Savouge Spikers Turf

Spikers Turf Press Corps Player of the Week – JP Bugaoan ng Savouge

PINATATAG ni JP Bugaoan ang kampanya ng Savouge matapos itong makaranas ng magkasunod na pagkatalo …