Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 58)

GULANTANG SI MARIO SA PAGTUNOG NG SIRENA BABALANG LULUBOG ANG BARKO AT ‘DI NIYA MAKITA ANG KANYANG MAG-INA

“Matulog ka muna habang tulog si bunso,” aniya na may pagsuyo.

“Pahinga ka na rin,” ang pag-aalala sa kanya ni Delia.

Matagal na magbibiyahe ang barko sa karagatan mula Maynila hanggang Cebu. Nakatulog si Mario. Nakapamahinga siya nang mahabang-mahabang oras. Buhat kasi  nang idiin siya sa kasong panggagahasa at pagpatay ng mga bata-batang pulis ni Kernel Bantog ay hindi na siya napagkatulog.

Biglang tumunog ang malalakas at sunud-sunod na pitada, ang babala sa napipintong paglubog ng barko. Nagkakagulo ang natatarantang mga pasahero. Nakatutulig ang mga hiyawan at tilian. Palahaw ang iyak ng mga bata at kababaihan.Nagkatulakan sa pagkuha ng salbabida at life jacket.  Nagkanya-kanya ang bawa’t isa sa pagliligtas ng sarili.

Pagtayo ni Mario mula sa pagkakahiga sa tiheras, unang inapuhap ng kanyang paningin ang asawa at anak. Ngunit wala sa tabi niya ang mag-ina. Ang mga ito’y naitutulak palayo sa kanya ng hugos ng mga pasaherong nag-uuna-unahang makalundag ng barko. Anumang oras kasi ay bubulusok na ito sa kailaliman ng dagat.

Sinundan niya si Delia, yakap nang mahigpit ang kanilang anak at todo-sigaw sa pagtawag sa kanyang pangalan. Ngunit kisap-mata’y tumagilid na ang barko. Nabuwal siyang patihaya, dumausdos sa nakakiling at nagtutubig nang sahig. (Itutuloy bukas)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …