Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xavier Cortez RK Rubber Cinegoma Film Festival

RK Rubber employee nabigyan ng boses sa mga kwentong ibinahagi sa Cinegoma

MA at PA
ni Rommel Placente

GINANAP ang opening ceremonies ng 6th Cinegoma Film Festival last week. Ito ay produced ng RK Rubber Enterprises Corp na ang CEO ay si Mr. Xavier Cortez.

Nagpapasalamat si Mr. Javier sa lahat ng sponsors at sumuporta sa festival.

Sabi niya, ”Maraming salamat sa Cinegoma organizers natin. Maraming-maraming  salamat  din po sa mga employee ng RK Rubber.

“Sa Production Department ng RK Rubber. Sa Logistics Department ng RK Rubber.

“Admin Operations department. At siyempre sa RK Davao, maraming-maraming salamat din.

“Maraming-maraming salamat po dahil nabigyan ninyo ng lakas ang mga boses at mga kwento na ibinabahagi namin sa maraming tao.

“Gusto  ko rin palang magpasalamat sa mga hindi naman taga-RK pero nakapag-contribute at sumusuporta sa amin.

“Nagbahagi ng kanilang expertice, experience at nakatulong din para kahit paano mas madagdagan ang aming karunungan pagdating sa pag-organize ng isang event na katulad nito.

“Maraming salamat din pala kay Direk Emman dela Cruz.

“At siyempre, magkakaroon ba tayo ng isang malaking event kung hindi sa malaking project ang ipinasok sa RK Rubber ng Sales Manila. Kaya nagkakaroon tayo ng malaking pondo sa Cinegoma.

“Sa mga student  filmmaker, binibigyan natin sila ng experience. ‘Pag nagkukwento sila (thru their films) na nakapagbigay din naman sila ng aral.

“Sana itong pang-6 Cinegoma ay magsilbing stepping stone pa para sa mga susunod pang malalaking taon at mas malalaking opportunity.

‘At huwag sanang huminto sa anim na taon ang aming adbokasiya,” paliwanag ni Xavier.

Ang Cinegoma Film Festival ay mapapanood mula November 24-28 sa Quezon City Circle (QCX) at Coffee Spot Minnesota Mansion, Ermin Garcia St. QC. And from November 27-28 ay sa Sine Pop,  St. Mary’s St. near cor.Aurora Blvd., Cubao QC.

Ang awards night ay ginanap noong November 29 sa Quezon City University.                                                         

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …