MA at PA
ni Rommel Placente
SI Vilma Santos ang iitinanghal na Movie Actress of the Year sa katatapos na 41st Star Awards For Movies na ginanap sa San Juan Theater noong Linggo ng gabi.
Wagi siya para sa pelikulang Uninvited,na naging entry sa Metro Manila Film Festival 2024.
Present sa okasyon si Ate Vi, kaya personal niyang natanggap ang kanyang trophy.
Sa kanyang acceptance speech, hindi nakalimutang pasalamatan ng award-winning actress ang Mentorque Production. Ito ang producer ng nasabing pelikula na pinagbidahan niya.
Ayon kay Ate Vi, binigyan siya ng Mentorque ng isang magandang role, bilang isang ina, si Lilia, na naghiganti sa mga lalaking pumatay sa kanyang anak.
Ang mga nakalaban ni Ate Vi sa Best Actress category na tinalo niya ay sina Kathryn Bernardo, Marian Rivera,Lovi Poe,Judy Ann Santos, Sue Prado, Shamaine Buencamino, at Rebecca Chuansu.
Samantala, tie naman bilang Movie Actor of The Year sina Aga Muhlach para rin sa Uninvited at Dennis Trillo para naman sa Green Bones.
Present sa awards night si Dennis, while si Aga ay hindi nakarating.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com