I-FLEX
ni Jun Nardo
ISA ang dating Sex Bomb singer na si Sugar Mercado na maganda na ang buhay ngayon. Dama sa mukha at pananalita ni Sugar ang pagkakaroon ng peace of mind at contentment sa huli naming pagkikita.
Pumirma ng kontrata si Sugar bilang brand ambassador at incorporator ng Asia’s Lashes kasama ang manager niyang si Wilbert Tolentino at founder-CEO ng ng Asia’s Lashes na si Leah Urbani.
Two years niligawan ni Ms. Urbani para maging bahagi si Sugar ng Asia’s Lashes na mahigit 50 na ang branches sa bansa, huh
Of course natanong kay Sugar si Willie na naging bahagi ng kanyang buhay.
“Uy, mabait si Willie. Nagpapasalamat ako sa kanya. Kaya panoorin ninyo ang pagbabalik niya sa TV, huh!” diin ni Sugar.
Sa totoo lang, ang dalawang anak na babae ang mas pinagtutunan ng pansin ni Sugar bukod sa pagiging malapit sa Diyos.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com