I-FLEX
ni Jun Nardo
KANSELADO ang ilang live shows at out of town appearances ng ilang stars dahil sa hagupit ng bagyong Uwan sa ilang bahagi ng bansa.
Pati ang basketball games sa PBA, UAAP, at NCAA eh ipinagpaliban ng organizers.
Tanging ang mga taped episode o segments ng mga TV show ang napanood kahapon, Sunday. ‘Yun nga lang, mas pinanood ng tao ang update sa bagyong Uwan at sa Catanduanes ang sinalanta ng bagyo.
As of yesterday eh signal number 3 sa Metro Manila. Huwag naman sanang lumakas pa ito dahil hanggang ngayong umaga ang paghagupit ni Uwan.
Keep safe and dry tayong lahat!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com