MA at PA
ni Rommel Placente
NAGBIGAY ng payo si Mika Salamanca sa kaibigan at nakasama niya sa PBB Celebrity Collab Editionna si Shuvee Etrata. Aware kasi siya sa mga pinagdaraanan nito ngayon.
Payo ni Mika, “Pinakamasasabi ko lang kay Shuvee siguro is, piliin mo lang ‘yung pakikinggan mo, at saka tatanggapin mo sa sarili mo.
“Kung mayroon kang mistake, owned it. Say your sorries. If constructive criticism, take it. Pero kung pure hate lang, let it go. Slow down.”
Samantala, masaya si Mika dahil magkakasama na naman sila ng mga kapwa niya ex-housemates sa Bahay ni Kuya na sina AZ Martinez, Dustin Yu, Josh Ford, Will Ashley, Bianca de Vera, River Joseph, Xyriel Manabat, Esnyr, Kira Balinger, Ralph de Leon, at Brent Manalo sa seryeng Secrets of Hotel 88.
“Naglolokohan kami na parang ‘ayan magkakasama na naman tayo.’ Masaya po ako kasi komportable na ako, kami sa isa’t isa,” aniya pa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com