NAGING successful ang katatapos na 3rd Gawad Dangal Filipino Awads na ginanap noong Friday, September 19.
Dumalo ang halos lahat ng awardees gaya nina Roderick Paulate, Piolo Pascual, Masculados, Miggs Cuaderno, Jopay Paguio, Manoeuvers, Sheree, Kuh Ledesma, mga kasama sa panulat gaya nina John Fontanilla, Roldan Castro, Mell Navarro, at Fernan de Guzman.
Ang inyong lingkod ay isa rin sa pinarangalan bilang Outstanding Online TV Anchor.
Si Kuya Dick ay pinarangalan bilang Dolphy Comedy Icon Award. Sobrang happy si Kuya Dick sa recognition na natanggqp niya mula sa nasabing award-giving body.
Sabi niya sa kanyang acceptance speech, “Alam ninyo po, malaking bagay itong award na ‘to sa akin. ‘Yung pangalan na nakalagay na Dolphy sa trophy ko, hindi po ‘yun matutumbasan.
“Para po sa akin, si tito Dolphy lang po ang tunay na King of Comedy. At wala na pong makakapalit sa kanya.
“Kumbaga, masasabi natin na maibigay lang ang karangalan na ito na nakalagay ang kanyang pangalan, malaking-malaking karangalan na po para sa akin ‘yun.
“Kaya nagpapasalamat ako at sana po, damihan pa natin ang mga komedya na pelikula para tumawa na ang ating bansa.”
Dagdag pa ni Kuya Dick, hindi raw mangyayari na mkukuha niya ang naturang award kung hindi raw sa suporta ng mga taong nanonood ng mga comedy films na ginagawa niya.
Congrats Kuya Dick!
Ang CEO/President ng Gawad Dangal Filipino Awards ay anf actor-director na si Romm Burlat.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com