Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lav Diaz Vice Ganda Sara Duterte

Direk Lav nanawagan kay Vice Ganda: tumakbong VP,  labanan si Sarah

MA at PA
ni Rommel Placente

NANAWAGAN ang direktor na si Lav Diaz kay Vice Ganda para tumakbo itong presidente sa 2028. Ang panawagan ay para labanan si Vice President Sarah Duterte.

Hiningan ng komento ang kaibigan at dating manager ni Vice na si Ogie Diaz sa panawagan ni direk Lav na sinagot nito ng, “Alam mo sa totoo lang no, why not!?”

Naniniwala si Ogie na kung tatakbo si Vice Ganda sa Presidential Elections sa 2028 ay  mananalo ito kung talagang nakatadhana para sa kanya ang posisyon.

“Alam mo sa totoo lang no, sabi nga nila ‘di ba ang pagiging presidente ay destiny, malay mo destiny nga ni Vice ‘yan,” pahayag pa ni Ogie.

Well, abangan na lang natin kung tatanggapin ba ni Vice ang panawagan ni Direk Lav.

Sa pagkakaalam kasi namin ay wala siyang balak pumasok sa politika. Pero malay natin baka magbago ang kanyang desisyon.

Tungkol pa rin kay  Vice Ganda, isa siya sa mga artista na hindi nawawala sa listahan ng top taxpayers sa bansa.

Kaya naman, hindi niya naikubli ang pagkadesmaya sa nagaganap na katiwalian sa bansa lalo’t nabunyag ang tungkol sa maanomalyang flood control projects na umano’y sangkot ng ilang mga politiko.

Sa kanyang noontime show, inilabas niya ang sama ng loob ng taumbayan sa patuloy na pagbabayad ng buwis kahit may katiwalaan.

Sabi ni Vice, “Sana ‘wag niyo kaming pagbayarin muna ng tax, sana may TAX HOLIDAY. Kasi ninanakaw niyo, eh. Kung talagang mahal ng mga nasa gobyerno ang mga Filipino, maglambing naman kayo pinanakaw niyo ang pera namin eh, ‘wag niyo muna kami pagbayarin. Hangga’t di naaayos.

“Hindi pwedeng ninakaw ninyo ‘yung tax namin, tapos magbabayad pa rin kami. Ibalik ninyo muna ‘yung ninakaw niyo sa ’min, ‘di ba?,”giit pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …