Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo, John Lloyd Cruz

Lloydie-Bea project posible: Hindi naman nawawalan ng offer

MA at PA
ni Rommel Placente

TINANONG si Bea Alonzo sa interview sa kanya sa 24 Oras, kung magkakaroon na ba sila muli ng teleserye o pelikula ng dating ka-loveteam na si John Lloyd Cruz.

O may possible comeback ba sa big screen sina Popoy at Basha, ang pinasikat nilang karakter mula sa classic romance-drama movie nilang One More Chance noong 2007?

Sagot ni Bea, “So far, wala pang plano (na magbalik-tambalan). Pero to be fair naman, parang hindi naman nawawalan ng offer pagdating sa aming dalawa,” pahayag ni Bea sa panayam ng 24 Oras.

So, siguro naghahanap lang kami ng tamang proyekto na pareho that we both can agree on. And something that would represent us right now, where we are at in our lives,” aniya pa.

Samantala, tawang-tawa naman si Bea sa pag-iimbita sa kanya ni John Lloyd na tumambay sa  bahay niya at isama pa ang boyfriend nitong si Vincent Co. Ipagluluto raw sila ng girfriend ng aktor na si Isabel Santos.

Idinaan pa raw kasi ni Lloydie ang imbitasyon kay Bea sa pamaamgitan ng iG account.

Post ni John Lloyd sa kanyang IG account para kay Bea, “Tambay tayo dito sa bahay pag may time kayo ni boss Vincent @beaalonzo

“Will ask @isabelreyesantos to seek inspirations to cook (cook emoji) sarap magluto yon (smiling face with hearts emoji).”

Nag-reply naman si Bea sa imbitasyon ni Lloydie, “@dumpsitegallery Game!”

“Nakakatawa lang si Idan, as I call him. Nakalimutan niya yata na nagwa-WhatsApp naman kami o nagba-Viber naman kami at may number naman.

“Hindi ko alam kung bakit roon siya nag-message. Nakalimutan niya yata na maraming tao roon,” chika pa ni Bea.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …