PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
VERY special para kay Frenchie Dy ang kauna-unahan niyang major concert sa October 24, ang Here To Staysa Music Museum.
Sa loob ng dalawang dekada sa industriya matapos maging grand champion ni Frenchie sa isang singing search, halos nakatrabaho na ang lahat ng music icon ng bansa.
“There’s a right time po talaga siguro sa lahat ng bagay. I am simply thankful and grateful na kahit inabot ng 20 years eh at saka pa lang ako magkakaroon ng major concert,” ani Frenchie.
Kaya naman sinabi naming baka hindi na siya makapag-perform sa dami ng mga music legend at kaibigan niyang nag-confirm ng kanilang participation sa Here To Stay concert niya.
“Oo nga po. Parang lalabas na guest na lang,” bungisngis nito sabay segue na sobra nilang pinaghahandaan ang show sa tulong ng producer (Grand Glorious Prodn) na sumugal sa kanya at ng direktor nitong si Alco Guerrero.
“Aside from her artistry and her being a biritera we would like to showcase her musical journey in a manner that everyone can relate to– lahat ng music genres kung makokober, gagawin namin,” sey naman ni direk Alco.
At dahil isa itong advocacy project para kay Frenchie na thrice nang inaatake ng Bell’s Palsy, “gusto rin po naming mas lalong makapag-spread ng awareness at hope through music tungkol sa kondisyon na ito.”
Next time na namin babanggitin ang sandamakmak na artists na guest ni Frenchie sa kanyang concert.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com