Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 55)

UUWI NG CEBU SINA MARIO AT DELIA MATAPOS IBENTA ANG KANILANG MGA GAMIT SA BAHAY

‘Ibenta mo ang lahat ng gamit natin na pwedeng maibenta para may maipasahe tayo. Kapag may dala ka nang pera, punta ka sa lugar ni Baldo. Du’n lang ako maglalagi sa tolda ng bahay niya. Magbitbit ka na rin ng ilang pirasong damit natin.’

Lumuwag-luwag ang bahay na inuupahan nina Mario at Delia. Wala na sa dulong sulok ng kanilang tirahan ang de-salamin na patungan ng telebisyon at ang telebisyon mismo na de-kulay at may sukat na labingpitong dali. Wala na rin ang de-padyak na makinang panahi sa makapasok ng pintuan ng kabahayan. Wala na rin ang tangke at kalan de-gas sa kusina. Wala na rin doon ang pabilog na mesang kainan at mga silyang plastik na katerno nito. Ultimo plantsa, dinispatsa rin ni Delia.  Ang lahat ay naibenta na. At ang tanging maiiwan na lamang doon sa naging pugad ng pagmamahalan nina Mario at Delia ay ang magagandang nilang mga alaala.

Karga ang anak na may nakasubong tsupon sa bibig ng tinimplang gatas sa bote, sinamahan si Delia ni Aling Patring sa pakikipagkita kay Mario.

Napaangat si Mario sa kinauupuang lata ng biskwit nang matanaw ang paghangos ng kanyang mag-ina at ni Aling Patring. Hindi na siya nakapaghintay at sinalubong niya ang mga ito sa daang-tao sa gilid ng matayog na pader ng pabrika.

“Makakauwi tayo ng Cebu?” naitanong niya kay Delia nang may pananabik.

(Subaybayan bukas)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …