MA at PA
ni Rommel Placente
MAY tsika na umiikot mula sa isang showbiz website, na umano’y nag-cheat si Ellen Adarna sa kanyang mister na si Derek Ramsay. Hindi raw kasi match ang DNA test ni Derek sa anak nila na si Lily.
Sinagot ito ni Derek sa pamamagitan ng kanyang IG Stories. Nag-post siya na tigilan na ng isang showbiz website ang mga balita nitong walang katotohanan.
Post ni Derek, “Showbizlife is spreading lies about my family. Lily is my daughter and Ellen is a loyal wife! I don’t know how you can sleep at night spreading lies like this.”
O ayan, base sa post ni Derek, anak niya si Lily mula kay Ellen, at hindi anak ni Ellen mula sa ibang lalaki. Na sinasabi nga niya na loyal wife si Ellen, kaya hindi nito magagawang pagtaksilan siya.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com