MA at PA
ni Rommel Placente
TINANONG ni Boy Abunda ang beteranang aktres na si Gloria Diaz, nang mag-guest ito sa kanyang show na Fast Talk With Boy Abunda, kung sino para rito ang tatlong pinakamagagandang artista ss showbiz.
Pero bago sumagot ang kauna-unahang naging Miss Universe noong 1966, sinabi niya, “Pinakamagaganda doesn’t mean, I necessarily like them.”
Na ang ibig niyang sabihin, nagagandahan lang siya sa mga pipiliin niya, pero hindi niya gusto ang mga ito.
Unang binanggit ni Gloria ang anak niyang si Ysabelle Daza. Pero sabi ni Kuya Boy, huwag na itong isama. Anak kasi ni Gloria si Ysabelle.
Pangalawang binanggit ni Gloria si Marian Rivera.
“I don’t necessarily like her. But she’s one of the most beautiful. Perfect ang mukha,” pag-describe ni Gloria sa misis ni Dingdong Dantes.
Pinili niya rin si Kyline Alcantara, na co-star niya sa isang serye.
“When she matures a little bit more. She’s beautiful,” sabi pa ni Gloria.
Bongga sina Marian at Kyline, huh!
Nagagandahan sa kanila si Gloria, pero ‘yun nga lang, hindi naman sila nito gusto.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com