PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MAY mga netizen na nag-call out na naman kay Carla Abellana dahil sa isyu ng mga Discaya sa Pasig na mainit na mainit nga ngayon sa mainstream media.
Inaakusahan na naman ng pagiging clout chaser umano o “water lily” ang aktres dahil sa post nitong nire-recall ang minsang experience ng shooting sa building ng mga Discaya.
“Ano bang aktres na iyan, lahat gustong sawsawan. Wala bang ibang pinagkakaabalahan iyan?,”reaksiyon ng mga netizen.
Ang nasabing post ni Carla kaugnay ng kontrobersiyal na mga luxury car ay ganito, “Ahh, sa kanila palang lahat ‘yun. Nag-taping na kami sa building na iyan sa Pasig. And I was like, ‘parang alam ko na kung ano ang ‘business’ ng may-ari ng mga ‘to.”
Kilala ngang mahilig mag-opinyon o mag-share ng kanyang experience o thoughts si Carla kahit mga outside showbiz issues. Mula nga sa pets o alagang hayop, sa isyu sa tubig, baha , ayuda at ngayon nga’y sa luxury cars, masasabi nating “updated” at aware si Carla.
And for us that’s a good thing at saludo kami sa pagiging involved and concerned nito more than her being pakialamera at pa-bibo ayon sa mga basher niya.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com