MA at PA
ni Rommel Placente
HINDI naniniwala si Ruffa Guttierez sa live-in set-up. Ayon sa kanya, kailangan pa rin niya ng sariling space kahit mayroon siyang karelasyon.
“Well, I need my space. Pwede naman sleepovers. Live in kasi is you’re living with someone like a married couple,” ang sabi ni Ruffa sa vlog ng negosyanteng si Anna Magkawas.
“I personally need my space, so I don’t wanna see my dyowa every day, all day, morning, tanghali, gabi. After six months, baka inaaway ko na siya,” ang natatawang sabi ni Ruffa.
Sey naman ni Anna, “‘Yun nga ‘yung point ng iba, parang gusto nilang mag-live in muna para makita nila ‘yung ugali ng isat’ isa.
“Kasi parang sa iba gusto na nilang ma-test kung magtatagal ba sila as a couple kung makita na nila ‘yung ugali ng isa’t isa kapag magkasama na sila sa bahay.”
Katwiran naman ni Ruffa, “I think you’ll see that when you travel together kasi makikita mo how he treats people, swak ba kayo or hindi.
“Tapos pag-uwi n’yo sa Manila, ‘okay bye, see you in a few days.’ Para at least my excitement. Every time you see the person ay excited ka, naghahanda ka, nagpapaganda ka,” sey pa ng ate ni Richard Gutierrez.
“Kaya ako, ayaw ko makipag-live in, kasi kung hindi naman ako asawa, why will I act like a wife? If we’re married, then we can live together.
“‘Di ba, I moved nga to Istanbul for Yilmaz (Bektas, ex-husband). I was at the height of my career then, I had three shows. And then noong nag-propose na siya, I decided to focus 200% on my family and then I left my career behind in the Philippines,” aniya pa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com