MA at PA
ni Rommel Placente
HINDI napanindigan ni Liza Soberano ang sinabi niya kay Boy Abunda nang mainterview siya nito noon, na hindi niya iiwan at forever niyang mamahalin si Enrique Gil.
Hayan nga at inamin na ni Liza sa interview niya sa Podcast na Can I Come In?, na almost three years na silang hiwalay ni Quen.
Pero wala siyang ibinigay na dahilan.
Sabi ni i Liza, mahal niya pa rin si Quen nang maghiwalay sila. At ang aktor nga raw ang first love niya.
Kung mahal pa rin ni Liza si Enrique, baka naman ayaw niyang makipag-break dito? At si Enrique lang ang nag-initiate ng break-up.
Ganoon kaya yun?
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com