THREE weeks na palang nananakot si Barbie Forteza.
Three weeks na ngang ‘di natitinag sa mga sinehan nationwide ang pinag-uusapang mind-bending horror film ng GMA Pictures na P77.
May iba pa ngang nag-sold out na nitong mga nakaraang araw, ha.
Dahil sa patuloy na pagbuhos ng magagandang reviews, marami ang ayaw ma-FOMO at hindi nagpapahuli para mapanood ang pelikula sa kanilang paboritong sinehan.
Sey nga raw kasi ng mga nakapanood na, hindi ordinaryong horror film ang pelikula dahil bukod sa mga nakakakaba’t nakatatakot na eksena, napakaraming unexpected twists and turns na talagang hahamon sa pag-iisip ng viewers hanggang sa huli.
Siyempre, hindi rin dapat palagpasin ang mahusay na pagganap ng bida na si Barbie na tila ba dinadala ang mga manonood sa loob ng pelikula.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com