MA at PA
ni Rommel Placente
SA panayam ng Fast Talk With Boy Abunda sa dating aktres na si Kim delos Santos noong Lunes, napag-usapan ang past nila ni Dino Guevarra bilang mag-asawa, at ang pag-alis niya sa Pilipinas para manirahan sa Amerika at magtrabaho bilang isang Nurse.
Sabi ni Kim, hindi pa sila nagkikita at nakapag-uusap ni Dino mula nang umalis siya ng bansa.
“We haven’t really spoken, until today. There was one time that I think nag-reach out siya. He did send an email. Things like that. But then after that wala na rin,” ang sabi ni Kim.
“It was a like a simple parang, ‘why did you leave?’ I guess he wanted to fix things, this was after I left.
“I guess he wasn’t expecting it. So ‘yun lang, pero hindi naman ako nag-reply,” dugtong ng dating Kapuso actress.
Nag-send din daw ng friend request sa kanya si Dino sa Facebook pero hindi niya ito in-accept.
“Noong time na ‘yun bitter pa ako. So hindi ko naman siya in-add. Sabi ko, ‘ba’t ko naman to i-add ‘to? ‘Di naman kami close,” sey pa ni Kim.
Pero aniya, naging friend niya ang naging asawa ni Dino na si Karen, “She posted something on Facebook that made me think. Sabi niya, ‘Some people made mistakes, but it doesn’t mean they’re a bad person.’
“It wasn’t about me in my head, or Dino, but then at that point it just hit me na parang you know what. I think it’s time for me to talk,” saad pa niya.
Kasunod nito, nagpadala ang aktres ng mensahe kay Karen para siguruhing tapos na para sa kanya ang nangyari sa kanila ni Dino.
“Kasi I was at peace. ‘Yung sa aming dalawa ni Dino at that time, natanggap ko na.
“Nag-start na akong mag-count ng blessings, kasi kung hindi niya ginawa ‘yon hindi ako makakapag-school, hindi ako magiging Nurse, hindi ko makakasama ang daddy ko, ang pamilya ko.
“So it was like everything happened for a reason,” aniya pa.
“I met her (Karen). Nagkita kami sa mall. Nakita ko rin si Antoinette (Taus). We have a picture together. Then when I was doing a charity event last year, nag-donate siya. She helped me. No questions asked,” dagdag pa ni Kim.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com