PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SOBRANG memorable kay Charo Santos-Concio ang pagbisita sa bansa ni Hyun Bin, ng Crashlanding fame.
Sey ni Ms Charo sa kanyang Tiktok post, “I don’t often fangirl, but I couldn’t resist. Hyun Bin, my No. 1 Oppa, then and now!”
Ang sikat na Korean idol nga ang personal bias ni Ms Charo na gaya ng karamihang mga Pinoy ay sobra ring iniidolo ang mga Korean series and celebrities.
Naku mga ka-Hataw, kung inabutan namin ang naturang event na nataon sa isa naming out of town raket, malamang na isa rin kami sa nakipag-awrahan doon at posible pang umeksena.
Ang alam namin, may mga nakatakdang gawin si Hyun Bin na mga collab project sa bansa. And yes, ipinagmamalaki niyang type na type niya ang pagkaing adobo natin at tunay namang nasa ‘must-visit list’ niya ang Pilipinas.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com