PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SA matagumpay na two-night concert nina Regine Velasquez at Vice Ganda, marami ang nagbigay ng unsolicited advice sa huli na sana nga raw ay naging responsable ito sa posibleng consequence ng kanyang pagmamatapang sa mga joke niya.
‘Matalas at matapang’ ang mga paglalarawang sinabi ng mga nakapanood sa naging antics ni Vice.
“Peryang-perya. Masaya, makulit, makulay, mahusay, mapangahas, at matapang. Sana lang kayanin niya ang consequences ng mga aksiyon at salita niya,” sey pa ng mga kausap namin.
Siyempre may mga tao at grupo rin daw na magre-react lalo na ‘yung mga naging subject ng panlalait niya kaya’t dapat din daw na handa si Vice at huwag ipagpalagay na porke’t natatawa at natutuwa ang audience ay siya lang ang may tamang opinyon.
Gamit na gamit nga raw ni Vice ang mga usapin sa DDS, BBM, Duterte, Pinklawan, Cristy Fermin and company, at mga content creator na umano’y pinagkakakitaan siya, kasama na ang mga “birada” sa iba pang isyu ng bayan.
Sey pa ng mga nakapanood, “sa panahon ngayon na uso ang magbigay ng pahayag at saloobin sa mga isyu, hindi naman naiba si Vice. ‘Yun nga lang, sana ay ready din siya sa backlash, sa responde o anumang posibleng gawin din sa kanya ng mga tao at grupong ang feeling nila’y nayurakan, na-disrespect at pinagkakitaan din niya somehow.”
May humirit pa ngang kung panahon pa ngayon ng diktadurya ay malamang daw na literal na ipinakain kay Vice ang mikropono.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com