MA at PA
ni Rommel Placente
NAGTAMPOK sa kanyang vlog si Ivana Alawi ng mga anak ng kapwa celebrities na mga ausome kids.
Isang Threads user ang hindi ito nagustuhan. Nagpahayag siya ng saloobin at obserbasyon sa napanood na vlog ng dalaga kasama ang mag-inang sina Candy Pangilinan at Quentin.
“Sana tigilan na ni Ivana icontent yun mga celebrities with ausome kids. Pilit na pilit bilhan ng kung ano ano yun bata kahit obvious naman na ayaw ng mom na [i-spoil] yun anak nila,” saad ng isang netizen.
Hindi nito nagustuhan ang pamimilit umano ng aktres na bilhan ng kung ano-anong materyal na bagay ang anak ni Candy.
“Like pinipilit bilhan ng iphone kahit sinabe ng mom [na] ‘wag’ kasi pag nag tantrums baka ihagis, sayang lang,” pagpapatuloy ng netizen sa kanyang mensahe kay Ivana.
Ibinahagi pa nito ang pangungumbinsi ng Kapamilya actress kay Quentin na bumili ng mamahaling cellphone at ibinagsak pa ito sa floor para mapatunayang matibay iyon.
“Sobrang awkward ng vlog niya,” puna pa ng netizen kay Ivana.
Base kasi sa vlog ng Kapamilya actress, humindi na si Quentin sa pagbili ng cellphone dahil gusto niya ang phone na ini-recommend sa kanya ng kanyang teacher sa photography.
Ayon din kay Candy, “Hindi mo naiintindihan ang pagbagsak nito [kapag nag-tantrums].”
Sa huli ay ibinili pa rin ni Ivana ng latest model ng iPhone si Quentin na ipinagpasalamat naman ni Candy.
Marami rin sa mga netizen ang sang-ayon sa inilahad ng netizen lalo’t iba ang parenting style ng mga magulang na may ausome kids.
Sa ngayon ay wala pa namang pahayag si Ivana hinggil sa isyu. Pero siguradong sasagutin/magpapaliwanag siya sa mga puna sa kanya.
Hihintayin na lang namin ang reaksiyon ni Ivana at isusulat namin ang kanyang side.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com