MA at PA
ni Rommel Placente
MAY bago na pa lang idine-date si Carla Abellana. Ito ang inamin ng aktres sa isa niyang interview. Ibig sabihin, ready na siyang magmahal ulit.
Sabi ni Carla, “I’ve said it naman na before. It’s about time na I open myself to dating, meeting new people. So I decided to try it.”
Dalawang beses nang nakipag-date si Carla sa lalaking ayaw pa niyang pangalanan.
“There’s a second date. We’ll see if there’s gonna be more dates,” aniya pa na halatang kinikilig.
Kamakailan inintroga si Carla ng mga netizen matapos mag-post sa Instagram ng larawan ng candlelit dinner kasama ang hindi pa kilalang date na may hawak ng menu.
Agad itong pinaghinalaang bagong dyowa niya.
It’s about time naman na muling pumasok sa isang relasyon si Carla, dahil sabi nga niya naka-move on na siya sa hiwalayan nila ng dating mister na si Tom Rodriguez. Besides, may bago na rin namang karelasyon si Tom, na nagkaroon pa siya ng anak dito.
So, gaya ni Tom, dapat na ring magmahal ulit ang anak ni Rey Abellana, ‘di ba?
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com