MA at PA
ni Rommel Placente
NO show si Pokwang sa naganap na GMA Gala 2025 last Saturday, August 2, kaya naman iniintriga siya ng netizens.
May mga nagtanong kung invited ba siya sa taunang event ng Kapuso Network o talagang nagdesisyon siyang huwag nang um-attend.
Sa pamamagitan ng kanyang X account, nagpaliwanag si Pokwang kung bakit hindi siya dumalo sa event.
Aniya, mas pinili niyang tutukan ang food business kaysa dumalo sa naturang event.
“Nagluto po ako ng paninda ko sa Mamang Pokwang’s gourmet. Mayroon po kasing deadline, may bulk na order po,” pahayag ni Pokwang sa kanyang X post.
Sabi pa ng komedyana, mas ginusto niyang gamitin ang kanyang oras sa mga kapaki-pakinabang na bagay, kaysa gumastos at mapagod sa pagpunta sa mga pabonggahang showbiz event.
“Attend ka ng GALA gagastos ka, e-effort ka, tapos lalaitin kapa ng tao hahahhaha edi magluto nalang ng paninda,” ang katwiran pa ni Pokey.
Marami naman ang sumang-ayon sa kanya, kasabay ng pagpuri sa pagiging masipag at praktikal na nanay. Narito ang ilan sa reaksiyon ng netizens.
“Tama ka, kaya ako pag di invited sa mga weddings, imbes na malungkot, sigh of relief talaga!”
“True naman!”
“Dyan pa lang, talo ka na. Magastos talaga ang umattend ng balls, gala, debut, wedding etc hahaha!”
“Kaso mamang its the 75th Anniversary na Gala. sayang. Pero yah. Hirap din tas lalaitin lang. Go pabili ng gourmet.”
“Oo nga. Lalaitin lang suot mo kagaya nung suot ng isang celebrity na mukhang reyna ng mga alien na kalaban ni Darna.”
“Wow ang sipag mo lang talaga dapat lang dahil sa dumami order na yan eh kaya pagtuloy mo pokie atleast kumita ka pa.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com