MA at PA
ni Rommel Placente
NAKATUTUWA naman si Kathryn Bernardo. Binigyan niya kasi ng malaking TV set si Pilipinas Got Talent Season 7 Grand Champion Cardong Trumpo.
Shookt nga si Mang Cardo dahil kahit nga raw bagyong-bagyo at bumabaha ay ipina-deliver pa rin ni Kathryn sa bahay nila sa Dasmarinas, Cavite ang regalong TV.
Buong akala kasi ni Mang Cardo ay last treat na sa kanya nI Kathryn ‘yung pa-grocery sa kanya nito, ilang araw matapos ang grand finals ng Pilipinas Got Talent Season 7 kaya nagulat siya nang matanggap ang TV na ipina-deliver ng award-winning actress sa kanilang bahay.
Siguro, sobrang natuwa lang si Kathryn at humanga sa pagiging talented ni Mang Cardo sa paglalaro ng trumpo sa iba’t ibang style, kaya pinag-groery at biniii niya ito ng malaking TV.
Pero sa kabilang banda, sadyang matulungin talaga si Kathryn. Marami siyang tinutulungan na hihdi niya lang ipinagsasabi/ipinamamalita.
Na hindi gaya ng ibang artista, na kapag tumutulong ay ipinagsasabi at ‘yung iba, ang gusto ay may kamera pang nakatutok sa kanila. Ayaw ko na lang mag-mention kung sino-sino ang mga artistang ‘yun.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com