MA at PA
ni Rommel Placente
VIRAL ang eksena ni Jake Cuenca sa FPJ’s Batang Quiapo, na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Ito ‘yung pakikipagbarilan ni Jake sa karakter ni Ronwaldo Martin, na kapatid ni Coco na ang tanging suot ay puting brief.
Bakat na bakat ang kargada ni Jake, kaya naman tuwang-tuwa ang mga beking sumusubaybay sa nasabing action-series ng ABS-CBN.
Marami rin ang nagkomento na hindi nagpatalbog si Jake sa eksena ni Maris Racal sa Incognito na nagtatakbo rin habang naka-panty at bra.
O, di ba? ‘Yan si Jake na kung kinakailangan sa eksena ay gagawin kesehodang naka-bried lang.
Pero kung may mga natuwang bading sa pa-brief ni Jake sa FPJ’s Batang Quiapo, mayroon din namang hindi. May isang netizen ang nag-comment ng, “Sagwa ni jake wala ng pwet.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com