Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Innervoices

Meant To Be ng Innervoices ang lakas ng dating

MA at PA
ni Rommel Placente

MULI na naman kaming pinahanga ng bandang Innervoices nang mapanood sila na nag-perform sa Tunnel Bar, Parqal Mall, Paranaque City, noong Miyerkoles ng gabi.

In fairness naman kasi, ang huhusay nilang tumugtog, at ang ganda ng boses ng lead vocalist nila na si Patrick Marcelino. At kahit marami siyang kinakanta ay hindi siya napapagod,huh! At hindi rin nag-iiba ang ganda ng kanyang boses. 

Swak na siya ang napili ng founder/manager at member din ng Innervoices na si Atty. Rey Bergadobilang kapalit ng dati nilang front man.

Siyempre, kasama sa kinanta ni Patrick ang latest single nila na Meant To Be, na si Atty. Rey ang nag-compose. In fairness, ang ganda ng lyrics at melody ng song, at madali lang itong kabisaduhin.

Naki-jamming kay Patrick si Atty. Rey. Kinanta niya ang unang bahagi ng pinasikat na kanta noon ni Gary Valenciano na ‘Di Bale Na Lang, at si Patrick na ang nagpatuoy at tumapos ng song. 

Kasama rin sa reportoire ng Innvervoices ang mga top hit noong 80’s gaya ng Footloose, Always Something There To Remind Me,  I Just Can’t Get Enough, Just Got Lucky at marami pang iba. Kaya naman ang audience, gaya namin na isa sa mga invited press ay humataw sa sayaw.  

Enjoy talaga kami kapapag napapanood na nagpi-perform ang Innervoices.

By the way, ang isa pang latest single ng Innvervoices na Galaw ay may music video na.

Ang next gig ng Innervoices ay sa July 22 sa Noctos Music Bar. Go na kayo roon para mapanood ninyo kung gaano kagaling ang Innvervoices.

‘Di ba, friend Maryo Labad?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …