PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
EMOSYONAL ang muling pagkakapasok ni Jessica Sanchez sa 20th anniversary edition ng America’s Got Talent.
Sa show din kasi nagsimula ang singing career ng may dugong Pinay (nanay niya ay Pinay at Mexican-American naman ang tatay) na singer na sumikat nga dahil sa American Idol noong 2011.
After 20 years ay balik America’s Got Talent siya, may asawa na at nagdadalang tao pa.
Sa kanyang audition ay muli silang nagkita ni Simon Cowell na sobra pa rin ang paghanga sa kanyang singing voice and style. Pero ang judge na si Sofia Vergara ang nagbigay sa kanya ng golden buzzer para agad siyang mag-qualify sa semifinals.
Napanood namin ang naturang audition at sa aming palagay ay mas gumaling nga siya, mas naging mature ang atake, at mas nagkaroon ng appeal.
Obvious ding gustong-gusto siya ng mga manonood kaya’t at this early ay isa na agad si Jessica sa mga sinasabing strong contenders for the 20th year ng AGT.
Susubaybayan natin ang journey niyang iyan. Good luck!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com