PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
INILUNSAD ng mWell’s advocacy campaign ang official wellness anthem na I Am Well.
In collaboration with Asia’s Songbird, Regine Velasquez-Alcasid and award- winning composer Jonathan Manalo, ipinarinig sa ilang mga piling media friend, kasama sina Dingdong Dantes at Charo Santos ang anthem.
Ipinakita pa nina Ms Charo at Dong ang mga suot nilang relo at singsing mula sa mWell, na agresibo nga ang kampanya para sa lahat na magkaroon ng tamang awareness sa health and fitness.
As we already written her some issues ago, nakatutulong nga ang mga singsing at relo hindi lang bilang personal na gadget dahil namo-monitor nito ang ating blood pressure, cholesterol at iba pa, plus nakatutulong din ang singsing na magkaroon tayo ng sound and quality sleep na kailangan ng bawat tao.
Pagkatapos naming marinig ang kanta ni Regine, muling ipinapanood ang movie nina Dong at Ms Charo na Only We Know.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com