PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAG-VIRAL ang muling pagsasama sa stage nina Vice Ganda at MC Muah last Friday, July 11.
Sa Vice Comedy Bar (VCB) nga nangyari ang lahat habang naka-set ang isang comedian. Si Vice Ganda ang may-ari ng club habang balita namang may share si MC, gaya ng ilan pa nilang kaibigan.
“HIndi ‘yun plano. Nagkataon na may binisita si MC, nandoon si meme, hayun, nangyari ang pagtatagpo nila. Although may mga previous na naman silang exchange of messages after ng pangyayari, hindi lang talaga gaya niyong dati na laging nasa social media at balita,” tsika ng aming kausap na taga-VCB.
“Just give them time, tuloy-tuloy na iyan,” habol pa ng isa.
There it goes. All is well that ends well na nga sa magkaibigan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com