MA at PA
ni Rommel Placente
HINDI nagsalita si Kyline Alcantara kung ano ba talaga ang dahilan ng kanilang hiwalayan ni Kobe Paras kahit pa nga kaliwa’t kanang batikos ang naranasan niya.
Katwiran niya, “I do not owe the world my heartbreak. So, sa akin ‘yun.
“My heart is good, it’s better now definitely, with the help of everyone around me.
“Nasaktan mo man ako, I will always show grace. And I will never fight back publicly, and I will never speak up about whatever is happening in my private life publicly,” aniya pa sa panayam sa kanya ng GMA.
Mas pinili niyang manahimik tungkol sa nangyari dahil naniniwala siyang, “I do not need to prove myself to anyone.
“I do not need any validation galing sa kahit na kanino, especially the public. I know that I am a public figure, but I’m not public’s property.
“I will never fight back because alam ko ‘yung karma o ‘yung revenge. Manggagaling ‘yan sa ating Panginoong Diyos,” sabi pa ng dalaga.
Hindi rin siya naniniwala sa paghihiganti. “No po. No talaga. Kasi alam ko rin naman, kung sino man ang nakasakit sa akin, mahal din naman siya ng ating Panginoong Diyos.
Alam ko na mabuti siyang tao, as a person. Alam ko na may kabutihan siya sa puso niya. So, never po talaga.
“And again, si God na po ang bahala roon because He saw what I didn’t see. He heard what I didn’t hear. So, siya na po ‘yun. I’ll just move on,” paliwanag pa ni Kyline.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com