PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MASAYA kami sa balitang iniurong na nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan ang demanda nila laban kay Nay Cristy Fermin.
Nakita at nabasa namin ang post ni mega dated July 8, na nagkita-kita nga sila sa korte.
Masaya ang naging ending ng eksena sa korte dahil noon pa man ay gumawa ng public apology si Nay Cristy sa kasong cyberlibel na isinampa sa kanya ng mag-asawa.
“Kung nakapanakit tayo ng kalooban, marunong naman tayong humingi ng tawad,” bahagi pa ng pahayag ni Nay Cristy.
Susog naman ni mega, “’Di basta naitatapon at nalilimot ang pagkakaibigan. Napakadaling ipagpatuloy ang pagmamahalan. Namiss ko si Nay. My heart is so happy and at peace.”
There it goes. Everybody happy na at sana nga ay mas matuto na tayo ng tamang leksiyon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com