Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andres Muhlach Ashtine Olviga

AshDres lumalalim ang pagkakaibigan

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

HINDI direktang sinagot nina Andres Muhlach at Ashtine Olviga kung senyales na ba ang Minamahal movie na pormal na nga silang magka-love team?

Grabe kasi ang bardagulan ng mga supporter nila na hindi pumapayag na maging sila bilang officilial love team lalo’t sinusukat din nila ang lakas ng Ashtine-Rabi Angeles tandem.

Sey ni Andres, “as much as possible po talaga, we try to please them all. But they all have their own preferences at hindi natin mapipilit ang lahat. Kung ano po ang ibinibigay sa amin na trabaho, we are here to fulfill and obey.”

Susog naman ni Ashtine, “okey naman po kami kahit magkakaiba ang kapareha. For as long as maganda ang project at ang management po namin ang nagsasabi, we are here to deliver.”

Meanwhile, sinagot ni Andres na hindi mahirap mahalin ang isang Ashtine. Sa lumalalim nilang friendship, mas importante na ma-build ang full trust and confidence sa isa’t isa dahil nagkakatulungan sila sa kanilang mga career.

Sisimulan pa lang na i-shoot ang Minamahal, 100 Bulaklak Para kay Luna under direk Jason Paul Laxamana, pero teaser pa lang ang ipinalalabas sa socmed ay milyon-milyon na ang engagement nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …