Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Jr Lolit Solis Lani Mercado

Bong nawalan ng ‘nanay’ sa pagpanaw ni Manay Lolit

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA ang dating senador Bong Revilla sa bumisita sa burol ni Manay Lolit Solis. Bukod kasi sa isa siya sa mga alaga ng namayapang talent manager, sobrang malapit ang una sa huli na itinuturing niyang parang isang tunay na ina.

Kaya nang kamustahin si Bong kung anong pakiramdam na sumakabilang-buhay na ang kanyang manager, sagot niya, “I can’t say naman na I’m okay, trying to be okay. ‘Yan ang buhay. Kaila­ngan move on tayo. Chapter ng buhay ‘yan, kasama si Nanay Lolit. Buksan naman natin, bagong chapter ng buhay natin.

“But, siyempre lahat naman tayo nagluluksa dahil sa pagkawala ni Nanay Lolit. Hindi lang ako nawalan ng manager kundi nawalan ako ng para kong nanay, so, mabigat sa dibdib. 

“Sa rami ng mga pinagdaanan ko, siya ‘yung tagapagtanggol ko, siya ‘yung nagpapalakas ng loob sa akin, siya ‘yung mga nag-a-advise sa ’kin kung paano maging matatag. Pero ganoon pa man, nagpapasalamat ako sa kanya. Ang laki ng hirap niya sa akin,” sabi ni Bong.

Sa tanong naman kung may pagkakataon na nag-away sila ni Manay Lolit, ang sabi niya, “No, never naman. Wala akong natandaan. Pinagagalitan niya ako kapag natsitsismis ako. Siyempre ipinagtatanggol niya si Lani (Mercado, misis niya).”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …