PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NALOKA kami nang mapadaan sa feed ang tila “A.I,” na pagyayabang ni Fyang ukol sa PBB.
Hindi kami sure kung siya nga ang nagsasalita at nagsasabing kahit ilang edition pa ng PBB ang magkaroon, ‘yung edition nila ang the best.
At dahil siya ang itinanghal na grand winner, uunawain na lang namin siya.
Pero siyempre kung totoong sinabi na nga niya ‘yun,”hahahaha” na lang aming reaksiyon sa very “what” statement.
Naloloka lang kami sa kanya na inilunsad kamakailan bilang isang recording artist. ‘Yun nga lang, gaya ng panalo niya sa PBB, mukhang hindi rin ito pinag-usapan. Muli, hahahaha!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com