Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anne Curtis

Anne nanggigil sa basher, ini-report sa X

MA at PA
ni Rommel Placente

PINATULAN ni Anne Curtis ang komento ng isang netizen tungkol sa pagkapanalo niya bilang Female TV Host of The Year sa katatapos lang na 53rd Box Office Entertainment Awards.

Nag-post kasi ng congratulatory art card ang It’s Showtime sa official socmed account nila kaya nagkaroon ng pagkakataon ang netizen na magkomento at mag-post ng kanyang saloobin na tila kinukuwestiyon ang paggawad ng ganoong recognition kay Anne.

Komento ng netizen: “Filipino awards are weird. The one who always absent got an award. It just lead to interpretation that Philippines show or contest are cooking show.”

Marami ang sumang-ayon sa opinion ng nasabing netizen pero marami rin ang nagtanggol kay Anne.

Maging si Anne ay hindi na nakapagpigil at sinagot nga ang hanash ng kanyang basher.

Ang sagot ni Anne, “@Jared Zafra FYI THIS WAS BASED ON LAST YEAR! When I was in my different hair girl era. Not this year.”

Ini-report pa ni Anne sa account niya ang post ng isa pang netizen na makikita ang screenshot ng nasabing reply ng aktres sa kumukuwestiyon sa kanyang pagkapanalo.

Tweet ni Anne, “Gigil nila ako eh. Hayaan nyo, makakaasa kayo wala akong hosting award next year because I was absent for half of this year, acting for 2 different projects. 1 that I have yet to finish. Happy? Right It’s Showtime?”

Obvious na napikon si Anne.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …