PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MUKHA ngang totoo ang isyu kina Cristine Reyes at ang political strategist at dating National Youth Commission at Grab officer na si Gio Tingson.
Bukod sa vlog ni mama Ogie Diaz na nagsasabing tila naka-move forward na si Cristine sa naging break-up nito kay Marco Gumabao, may mga ilang friends tayong nagsasabi na madalas na ngang magkita at lumabas ang dalawa.
“Hmmm, siya na nga yata ang ipinalit ni Cristine kay Marco. Winner naman, may hitsura, mayaman, at matalino,” dagdag pa ng ilan.
Nagkaroon ng lamat ang samahan nina Cristine at Marco dahil umano sa ilang isyu sa politics.
Kaya noong mga huling araw ng kampanyahan last elections ay hindi na nga naging visible ang support ng aktres sa ngayo’y ex-bf nitong si Marco na hindi rin pinalad manalo.
“Can we say na napolitika kaya si Marco lalo’t balitang magaling na strategist itong si Gio?,” komento pa ng netizen.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com