Monday , March 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo James Reid

Kathryn ipapareha kay James sa balik-teleserye

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY nakarating sa amin na after Pilipinas Got Talent (PGT), na isa sa naging hurado si Kathryn Bernardo, ang susunod na proyektong gagawin niya sa Kapamilya Network ay isang teleserye. 

Yes, balik-teleserye na ang award-winning actress. At ang balita namin makakapareha niya si James Reid. At ang serye na pagbibidahan nina Kath at James ay kukunan pa raw ang ilang bahagi sa ibang bansa.

First time na magkakatrabaho sina Kathryn at James. Bagong putahe, ‘ika nga.

Tiyak matutuwa ang mga faney ni Kath, na muli na naman siyang mapapanood ng mga ito sa isang serye. Ang huling serye na ginawa ng dalaga ay ang 2 Good 2 Be True, 2 years ago, na pinagtambalan nila ng ex na si Daniel Padilla.

Ang huling serye naman na ginawa ni James ay ang Till I Met You noong 2016, na katambal  niya ang dating ka-loveteam at karelasyon  na si Nadine Lustre.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Arci Munoz Kang Donggun Rommel Ricafort

Direk Rommel Ricafort thankful sa Sinag Maynila, Arci Munoz at Korean actor na si Kang Donggun, tampok sa Sweet Escape

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BILIB si Direk Rommel Ricafort sa lead stars na sina Arci Munoz at Kang …

Robb Guinto Yasser Mata

Yasser at Robb ‘nagkaigihan‘ sa nagbabagang eksena: roon ako nahulog sa kanya

ni Allan Sancon HINDI nagpaka-plastik si Yasser Marta sa pag-amin na ibang level ang pinagdaanan niya sa …

Yul Servo

Yul at Direk Lav Diaz may reunion movie: ang tanda ko na, akala ko wala nang kukuha sa akin

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG makakuwentuhan ko sa AIFFA (Asean International Film Festival & Awards) si direk Lav Diaz, …

Queenay Mercado Rhian Ramos Glaiza De Castro

Queenay Mercado mahusay magpatawa at magdrama

MATABILni John Fontanilla PROMISING ang Batanguen̈ang young star na si Queenay Mercado na kasama sa pelikulang I fell, …

Robb Guinto Yasser Mata Desperada

Mhack Morales ‘di nagpatalbog kina Yasser at Robb

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang maiyak ng isa sa lead actor ng pelikulang Desperada na si Mhack Morales sa …