Thursday , June 4 2026
Carla Abellana

Carla pinuri, pinuna pakikipagsagutan sa Prime Water

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

WALA na raw bang ibang karir si Carla Abellana maliban sa pagsagot o pag-deadma nito sa mga personal na bagay?

Pinag-uusapan nga ang naging sagutan ng Prime Water Company at ni Carla kaugnay sa usapin sa serbisyo ng tubig sa lugar ng aktres.

Talagang tinawag ni Carla ang pansin ng kompanya ng tubig na inirereklamo rin ng ibang consumers dahil daw sa walang kwenta nitong serbisyo. Marami nga ang humanga kay Carla gaya ng paghangang ibingay sa kanya sa mga previous “hanash” niya sa ibang usapin gaya ng traffic, pag-aalaga sa pets, at iba pa.

Pero napuna rin ng socmed world ang pande-deadma niya kapag ang usapin ay tungkol sa kanyang ina at ama, o dating asawa o ibang kaibigan.

Goods naman daw na marunong pumili si Carla ng laban niya pero may mga bagay din minsan na nangangailangan ng sagot mula sa kanya.

At ang pinaka-obvious nga raw sa ngayon ay kung ano ang ibang showbiz ganap niya ngayon?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …