MA at PA
ni Rommel Placente
MUKHA yatang totoo na may tampuhan ngayon sina Kathryn Bernardo at Alden Richards dahil iniiwasan na raw ng una ang huli!
Nang bigyan kasi sila ng award sa isang award-giving body noon, dahil sa pagiging blockbuster ng movie nilang Hello, Love, Again, no show si Kathryn, si Alden lang ang dumalo. Kaya nagtaka ang mga netizen. Inisip nila na siguro ay may tampuhan ang dalawa at umiwas talaga si Kathryn na dumalo sa event para hindi makita at makasama si Alden sa pagtanggap ng kanilang award.
Nang magkita sila sa isang fashion show, nag-dedmahan daw, as in hindi raw sila nagpansinan. Bagamat back stage sinasabing nilapitan ng aktor ang aktres.
At sa katatapos lang na 53rd Box Office Entertainament Awards na ginanap noong Sabado sa RCBC Plaza, Makati, na pinaragalan sina Kathryn at Alden bilang Phenomenal Box Office King and Queen respectively, para rin sa pelikula nilang Helo, Love, Again, ay no show pa rin si Kath, si Alden lang ang dumating.
Bago ang awards night, dumalo pa si Kathryn sa Tech Mania event ng ineendosong electronic appliances sa Music Hall ng SM MOA, na kung tutuusin ay medyo malapit-lapit na sa venue ng Box Office Entertainment Awards. Kaya pwede siyang dumalo roon after ng nauna niyang commitment na past 8:00 p.m. lang naman natapos.
Ang awards night naman kasi ay natapos ng past 1:00 a.m. na.
Sa hindi pagdalo ni Kath sa 53rd Box Office Entertainment Awards ay lalong umugong ang chika na may hindi sila pagkakaunawaan ngayon ni Alden, at iniiwasan niya talaga ang aktor.
Tungkol pa rin sa 53rd Box Office Entertainment Awards ay pinarangalan din dito sina Maricel Soriano at Roderick Pauate bilang Comedy Actor and Actress of the Year respectively.
Present si Kuya Dick, while wala si Maricel.
Si Kuya Dick ang tumanggap ng award ng tinaguriang Diamond Star ng showbiz since bestfriends sila.
Sa acceptance speech ng mahusay na komedyante, sinabi niya na may previouus commitment si Maricel kaya hindi ito nakadalo sa awards night.
Bongga sina Maricel at Roderick, huh! Nakadalawang award na sila ngayong taong dahil sa pagiging mahusay nilang komedyante.
Sa nakaraang 38th Star Awards For TV na ginanap noong March 23 ay si Maricel ang itinanghal na Best Comedy Actress, while si Roderick naman bilang Best Comedy Actor.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com