PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
CONGRATULATIONS sa mga big winner ng Pilipinas Got Talent.
As expected, ang crowd favorite na si Cardong Trumpo ang itinanghal na grand winner habang second placer ang LGBTQ group na Femme MNL, at third placer naman ang mahusay na magician na si Carl Quion.
Naibalik nga ng tropa nina FMG, Eugene Domingo, Donny Pangilinan, at Kathryn Bernardo ang ningning, tikas, at lakas ng show.
Partida pa, walang franchise ang ABS-CBN ng lagay na iyan ha!
Congratulations!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com