PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAKAKALOKA rin ang latest tsismis ngayon kay Arci Munoz.
Matapos kasing pag-usapan si Ivana Alawi na super dedma sa pagkakasali ng name sa ginawang demanda ng asawa ni Cong, Albee Benitez, si Arci naman ngayon ang may tsismis.
Sa pinag-uusapang viral photo umano na si Arci raw ang kasama ng isang Vice-Mayor (from Ilocos Sur) sa Etihad lounge sa Dubai. Mabilis na nag-wan-plus-wan ang netizen na may ‘something’ umano sa dalawa?
Actually si nanay Cristy Fermin ang sinasabing naglabas ng photos mula sa isang kaibigang source nito na naka-grab nga raw ng sitwasyon nina Arci at sinasabing vice mayor sa nasabing airport lounge.
“Married” na raw si vice mayor kaya’t sari-sari na namang “bashing” ang ipinupukol kay Arci.
Wala pang paliwanag mula sa aktres though may mga nagtatanggol naman na posibleng nagkita o nagkatabi lang ang mga iyon sa naturang lounge.
O baka raw talagang magkaibigan ang mga ito at nagkasama sa Dubai?
“They are just photos. They could mean another thing,” sey ng ilang netizen.
“Ang tanong, sure ba talagang si Arci ‘yun? Sa halos pabago-bago kasi ng hitsura ni Arci nang dahil sa retoke, mahirap nang sabihin,” ang tila may kantiyaw pang hanash ng iba.
Kalokahhh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com