Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kyline Alcantara Ruffa Gutierrez

Kyline life lesson mula kay Ruffa: always choose yourself

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY bagong serye si Kyline Alcantara sa GMA 7. Ito ang Beauty Empire, na kasama niya si Barbie Forteza. Happy ang una na naka-work niya ang huli. Noon pa kasi ay pangarap niyang makatrabaho ang ex ni Jak Roberto.

Kasama rin sa serye si Ruffa Gutierrez.

Sa tanong kay Kyline kung ano ang ilang life lesson na natutunan nila kay Ruffa na napakarami na ring pinagdaanang pagsubok sa buhay ngunit nananatiling matatag at palaban? Ang sagot niya, “Always choose yourself. Ikaw muna, bago ‘yung ibang tao. ‘Yun ‘yung palagi niyang advice sa akin. Actually hindi lang sa akin, sa aming dalawa ni Barbie.”

Dugtong pa ng dalaga, “And every time you get lost, palagi mo lang hanapin ang sarili mo.”

Ang Beauty Empire ay bonggang collaboration ng tatlong powerhouse production sa media industry – GMA Network, Viu, at CreaZion Studios.

Iikot ang kuwento ng serye kay Noreen Alfonso (Barbie), a rags to riches beauty entrepreneur na handang pabagsakin ang mga kaaway.

She goes head-to-head against Shari De Jesus (Kyline), a crass but social media famous beauty CEO na mentored by Velma Imperial (Ruffa) na idolo ni Noreen sa mundo ng pagpapaganda.

Mapanood ito simula July 7 sa GMA Prime, mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …