MA at PA
ni Rommel Placente
KUNG ang ibang celebrites ay ayaw umamin o nagde-deny na may ipinabago sila sa parte ng kanilang katawan o nagparetoke. Hindi ganito si Lani Misalucha. Never niyang ikinahiya o idinenay na nagparetoke siya ng kanyang ilong.
Proud pa nga ang award-winning singer na sumailalim siya sa “nose job,” dahil alam niyang wala siyang ginawang masama at hindi siya siya nanghamak o nanloko ng kapwa.
Sa episode ng Ogie Diaz Inspires ni Ogie Diaz, napag-usapan nila ni Lani ang tungkol sa guesting niya sa ASAP last March, na binanggit niya ang pagpaparetoke ng ilong. Na ikinahagalpak ng tawa ng mga host ng show, kabilang na sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, at Martin Nievera.
“Kapag nakita n’yo ‘yung mga YouTube (video) ko roon, sa ‘ASAP,’ oo, hindi pa gawa ilong ko roon,” ang natatawang sabi ni Lani.
Pero sabi naman ni Gary Valenciano, kahit ano pa ang itsura niya ay mananatili pa rin ang pagmamahal, respeto, at paghanga nila sa kanyang talento.
Sa panayam nga ni Ogie kay Lani, inamin din ng host na talagang natawa rin siya sa naging hirit ng Asia’s Nightingale sa nasabing noontime varety show ng ABS-CBN.
Reaksiyon ni Lani, “Totoo naman. Kapag tiningnan mo ‘yung clips ng mga guesting ko dati sa ‘ASAP,’ makikita mo ‘yung difference. Before and after.
“’Yung mga hindi nga artista nagpapaayos, eh. ‘Wag na kayong magtanong. Ako na magsasabi kasi kita mo naman ang difference,” aniya pa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com